THE COLOR OF DARKNESS

About Me

The Streams Of Red Waters Blessed Sinfulness
your name:

url:

your message:

November 23rd, 2004

for josh...

Posted by kenrou at 10:06 AM on November 23, 2004.

first of, i dont really know if you would be able to read this. but anywayzz, i would just have to give it a try, hoping that, through whatever circumstance, you would be able to give this mail a little attention. what a faint flicker of hope!


whew! i watched ur concert on dvd last night and i still cant get enough of it. i have been glued to my tv!

i first saw and heard u over a music channel on tv. its actually a local music channel called MYX. the vj introduced you and walaahh!!!! u captured me!!! hehehe.

it's much of a wonder how you never fail to amaze me. josh, you are magnificent and you have no idea how much you have touched my heart and my life. i know you hear this from your fans everyday. and i dont know what sets me apart from all your millions of adoring fans. maybe its the way you have inspired me to go on living. well, i just feel like telling you that you are the only thread that kept me hanging on. everything in my life has gone wrong. but i am so gald and thankful that there is someone like you; though i never get to see you and talk to you or whatever. whew!!! it's kinda stupid and cheap. hehehe. i cant believe i'm already pouring my heart out. but well... cant help it.

i'm praying for you every night and i wake up everyday for you. i kinda made a promise to myself to keep on living as long as you are there, and to keep on striving to reach my dreams. i have a band right now (i do the vocals) and we are all hoping to get a contract with a bigtime record company in our country. we are actually a gothic rock band. kinda like... well, my "opera" voice mixed with heavy gothic guitar riffs. it's kinda cool. hehehe.

well, i am doing this for you, josh. and i know one day, i am going to meet ya and...hehehehe... probably work with you. it's still a dream though.

i am running out of things to say. i love you, josh...

i love you!

Cge mag-comment ka!

October 6th, 2004

anrou, basahin mo to...

Posted by kenrou at 10:07 AM on October 6, 2004.

hindi ko lubos maisip kung bakit kita minahal.
naalala ko pa ang unang text mo sakin. hindi kita sineryoso. hindi kita minahal. ngunit sa pagdaan ng mga araw, napamahal ako sayo at sobrang minahal kita. lagi ka kasing mapagmahal, lagi mo akong inaalala, lagi mong sinasabi na mahal mo nga ako.

sa paggising ko ngayong umaga, hindi ko mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha. hindi ko na napigilang umiyak at magdamdam. pilit kong sinasabi sa sarili ko na ang lahat ay panaginip lamang. ngunit bigo ako. alam ko na hindi panaginip ang lahat. ang daming mga bagay na pumapasok sa isip ko. hindi ko na tuloy alam kung ano ang dapat kong isipin. ngunit isang bagay lang ang alam ko - heto na naman ako, nag-iisa at iniwan na naman ng taong minahal ko ko ng higit pa sa buhay ko. naitanogn ko sa sarili ko kung bakit ganito nalang lagi. kung bakit ako nalang ang laging naiiwan. lagi nalang kasing ako ang lumuluha sa huli.

ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan. hindi ko alam kung paano ko magagawang turuan ang puso mo na mahalin ako. pinaniwala mo kasi ako na mahal mo ako. pinaniwalaan ko lahat ng sinabi mo sa akin. bawat salita na nanggaling sayo, pinaniwalaan ko. hindi mo siguro alam yon. tandang-tanda ko pa ang lahat ng mga pangarap natin. hinding hindi ko makakalimutan ang ligaya na ibinigay mo sa akin nung sinabi mo na magpapakasal tayo. sabi mo pa nga na maninirahan tayo sa ibang bansa, doon tayo magsisimula muli, at doon na rin tayo tatanda. NANIWALA ako sa lahat ng sinabi mo. siguro, para sayo isang laro lang sa lahat. at siguro nga, ako'y isang napakalaking tanga na naniwala sayo. pero kahit tawagin man akong tanga, ok lang kasi mahal kita.

minsan lang akong magmahal ng ganito. sa naging mga bfs ko, hindi ko pa naranasan na umiyak. ngayon lang. ngayon lang talaga...

naaalala ko pa nung isang araw na parang hindi ko na kaya pang mabuhay. tapos, sabi mo sa akin, "kaya natin to!" kinaya ko nga para sayo. naalala ko rin nung sinabi ko sayo na hindi ko na kaya kasi ang layo natin sa isat isa. sabi mo, "kaya natin to!. konting tiis nalang." tiniis ko ang sakit at hirap para sayo. hindi ko pinansin ang katotohanan na ang layo nga natin sa isat isa. sabi ko sa sarili ko, 'bahala na. titiiisin ko 'to kasi may naghihintay sa akin na handang mahalin ako.' iniisip kita araw-araw upang kayanin ko ang pasakit sa dala nito. oo, kinaya ko ang lahat dahil mahal kita at ayaw kong masayang ang lahat ng mga pangarap natin.

naalala ko yong txt mo sakin. sabi mo, "baby, adito ako ngayon sa bus. ala me katabi. sana and2 k nlng para tabi tayo." hindi mo siguro alam kong gaano mo ako pinasaya dahil dun.

bawat umaga, inaabangan ko ang txt mo. hindi na nga mahiwalay ang fone ko sa akin e. lagi ko lang hawak-hawak kasi alam ko, magt-txt ka. hindi mo siguro alam na ikaw na ang naging buhay ko. hindi mo siguro alam na sa buhay kong ito, na lagi nalan akong talunan, ikaw lang ang tanging naging tama. lahat mali. sabi mo sakin "ikaw ang mundo ko..." siguro hindi mo alam na bago pa man ako ang naging mundo mo, ikaw na ang mundo at buhay ko. hindi ko alam kung nanggaling ba sa puso mo ang lahat na sinabi mo sa akin... buong buhay ko, lagi nalang akong nasasaktan. buong buhay ko, lagi nalang ako naiiwan. buong buhay ko, wala akong hinangad kundi ang makadama ng tunay na pagmamahal. sayo ko natagpuan ang pagmamahal na yon. akala ko, hinding hindi mo ako pakakawalan. akala ko, mahal mo nga talaga ko. akala ko, natagpuan ko na ang para sa akin... pero, totoo nga, ang daming namatay dahil sa akala...

humahapdi na ang mga nilaslas ko. hayyy.... bakit ba ako ginaganito ng mga taong mahal ko. hindi ko talaga lubos maisip kung bakit lumalayo sa akin ang mga mahal ko. pagod na ako... pagod na ang puso ko... pati ang paghinga ay parang isang napakabigat na gawain.

pagkatapos ko dito, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin (teka... naalala ko lang. sem break na pala. pinangako mo sa akin na kapag sem break na, ibubuhos mo lahat ng oras mo sa akin. ewan ko ba kung bakit inaalala ko pa ang mga yon). wala ng direksyon ang buahy kong ito. nilisan na ako ng mundo ko. wala na akong buhay ngayon. nasayang na naman ang mga pinaghirapan ko. inipon ko ang mga baon ko upang makapunta sa manila. gusto ko kasing makasama ka. minsan, hindi na ako kumakain sa school kasi iniipon ko para sayo. sayang... ginutom ko pa naman ang katawan ko para sa wala...

naaawa na ako sa sarili ko.

hindi ko nga alam kung pakikinggan mo ako.

pero ang pinakamasakit sa lahat... heto ako nagmamahal sayo at wala man lamang akong magawa para mahalin mo rin ako...

you brought me this far just to leave me behind...

Cge mag-comment ka!

October 2nd, 2004

Unang Aguinaldo...

Posted by kenrou at 02:15 PM on October 2, 2004.

ang saya, kahit 84 na araw pa bago magpasko, may aguinaldo na agad ako. marahil, iyon ang pinaka natatangi at pinakagusto kong aguinaldo sa buong buhay ko. matagal ko nang ninanais na magkaroon ako noon, pero sa bawat pasko na lumipas sakin, wala, puro bigo, kainis!
ngayon lang talaga. may pangalan nga siya eh. dwight.
hulog siya ng langit.

1 O, ano pa?

October 1st, 2004

Sa Aking Pag-iisa...

Posted by kenrou at 10:07 AM on October 1, 2004.

lagi naman talaga akong nag-iisa dito sa mundong ito. ako lang at ang sarilo ko ang tangi kong pag-aari. teka, kung tama ang hinala ko, may nagmamahal pala sa akin. siguro sya rin ay maari ko ng tawaging akin. sana tama ako sa panahong ito. sana tama ang hinala ko. sana mahal nya nga talaga ako. kasi noon, ibinigay ko na ang puso ko, ngunit ako'y nasaktan lang. ayoko na sanang umibig pa. ang gusto ko lang sana ay maglaro at hinding hindi na magpapaloko sa mga taong nagsasabing mahal nila ako. ewan ko ba. pero, pagod na ang puso ko sa mga panlilinlang at mga kasinungalingan; pagod na ang puso ko at ayoko ng masaktan pa.

isang araw, dumating sya. sabi nya mahal nya ako. ayoko sanang maniwala pero parang nakikita ko sa kanyang mga mata na totoo nga. minahal ko rin sya. ibinigay ko ang lahat - lahat. pati kaluluwa ko ay ibinigay ko na. lahat ng bagay ginawa ko para lang mapasaya sya. sa aming unang linggong pagsasama, masaya at punung-puno ng pag-ibig. laging magkasama sa lahat ng bagay, laging hinihanap anh isa't isa, laging nagkikita, at laging ayaw umuwi sa bahay. ngunit unti-unting nagbago ang puso nya habang ako, araw araw mas napapamahal sa kanya. akin ng napansin ang mga pagbabago sa kanyang kilos at pananalita. hindi ko na naramdaman ang init ng pag-ibig sa kanyang halik. pero nagpakatanga ako at pilit kong iniisip na mahal nya rin ako. pinipilit kong kalimutan ang mga panahong wala sya sa tabi ko nung kailangan ko sya. binura ko sa isipan ko ang mga pagkakataong hindi nya ako sinipot sa mga usapan namin. lahat ibinigay ko... hanggang sa dumating ang panahon na hindi ko na iniisip ang sarili ko. nakalimutan ko ng mahalin ang aking sarili.

sa paglipas ng mga araw, hindi ko na sya nakita. hindi nya na sinasagot ang mga txt at tawag ko... hindi ko na sya mahanap kahit saan. ang hirap ng kalagayan ko sa panahong 'yon...

hinanap ko sya para makausap. ang hirap nyang hanapin kasi pinagatataguan nya ako. hanggang sa mahanap ko sya.

"baby, im saying goodbye na," sabi nya.

"ganun lang kadali yun?"

"kasi, i dont feel anything na e..."

pagsabi nya nun, dinampot ko ang aking bag at umalis. hindi ko na mapigilan ang sakit na unti-unting gumagapang sa damdamin ko. hindi na rin ako nagpaalam. alam ko naman na hindi nya ako pipigilan sa aking pag-alis. kahit kailan, alam ko na hindi nya ako hahabulin. hindi nya naman talaga ako minahal.

sa pag-alis kong 'yon, hindi ako lumingon sa kanya. patuloy ang aking paglakad, palayo sa taong mahal ko, sa taong inalayan ko ng buhay at kaluluwa ko, sa taong ginawa kong aking mundo. sa aking isip, alam ko na hindi nya ako tatawagin o pigilan. ngunit hindi ko maipagkakaila, umaasa pa rin ang puso ko na muling marinig ang pangalan ko mula sa kanyang mga labi. bigong umasa ang puso ko. kasi, hindi nangyari ang kanyang inaasahan. tama ang isip ko.

naglakad ako... pilit kong inisip na ang nangyari ay hindi totoo. pero ang katotohanan ay hindi ko maaring itago. iniwan na ako ng 'mundo' ko...

noong gabing 'yon, natapos ang buhay ni dwight. ako na ang pumalit. ako si ALGO...

Cge mag-comment ka!

September 28th, 2004

Magkalayo kami...

Posted by kenrou at 05:24 PM on September 28, 2004.

haaay...

mahirap talaga kapag malayo sayo ang minamahal mo. hindi mo siya lagi nakakasama, at nakakausap. marami ang nagsasabing madalaing masira ang ganitong pagiibigan. marahil nga, eh kasi naman, hindi niyo mababantayan ang isat isa. pero, sa minamahal ko ngayon, iba, dahil may tiwala naman ako sa kanya. oo nga't malayo kami, pinaghihiwalay ng ilang daang kilometro, pero lagi namang magkasama ang aming puso't diwa. masaya nga 'to eh, dahil nakakachallenge. sobrang mamimiss niyo ang isat isa kaya kapag nagkita kayo, ayun!, sobrang saya. sa totoo lang, mayroon ding mga panahon na muntik nang maubos ang aking pagasa na talaga ngang kami ang magkakatuluyan, pero alam ko namang mahal namin ang isat isa, kaya ayos lang! siya na nga ang pakakasalan ko eh, kung tatanggapin niya ang offer ko. sana....

sa ngayon, galit siya sakin, di ko mawari kung bakit. may nagawa kaya akong masama?! la naman akong matandaan ah. siguro, dahil yun sa madalang naming paguusap ngayon, hindi ko na siya masyadong nakakausap ngayon kasi abala ako sa pagaaral, magtatapos na kasi ang semestre. sana maunawaan niya ako. ayoko nang nagagalit siya sakin. parang saklob ko ang langit at lupa kapag galit siya sakin. MAHAL KO SIYA EH.

ei, alam mo na kung sino ka, pacensya na kung may nagawa man akong masama. babawi ako sayo, pangako.

patawad.

mahirap talaga kapag magkalayo, hindi ko maipaliwanag ng maayos ang niloloob ng puso ko. nagigiliw na nga ako sa kanya eh. sana maintindihan niya na para din sa kanya 'tong mga ginagawa ko.

ayun lang.

Cge mag-comment ka!

\"Hanggang Matapos\"

Posted by kenrou at 04:23 PM on September 28, 2004.

->Mga kaibigan, iniaalay ko ang kantang ito para sa pinakamamahal kong tao sa buong buhay ko, si Dwight. Baby, para 'to sayo...

uhummm..


Ano ba itong damdamin
Umiibig nang muli
Marahil ay ikaw na nga
Ang hulog ng langit
Sa gabi'y di makatulog
Sa kaiisip ko sayo
Napupuyat di makakain
Umiibig nga sayo

Kailan ka ba daraan
Mahal saking harapan
Tamis ng iyong ngiti
Napapawi kong sawi
Pagibig ko'y pinagbigyan
At ako'y iyong minahal
Tinanggap mo ang puso ko
Kaya't ako'y naririto

Mahal na Mahal kita
Hindi kita iiwan
Kailanman, habang nabubuhay
Di kita pagpapalit
Para bang isang awit
Sa simula pa lang
Mhal kita giliw
Hanggang matapos
Ikaw lamang sakin

Pagibig nating dalawa
Di na dapat mawala
Paano ang buhay ko
Kung ika'y magbabago
Ikaw at ako'y pinagsama
Dahil ang Diyos ang siyang saksi
Dalangin ko'y di magbabago
Dahil ikaw lamang at ako

Mahal na mahal kita
Hindi kita iiwan
Kailanman, habang nabubuhay
Di kita pagpapalit
Para bang isang awit
Sa simula pa lang
Mahal kita giliw
Hanggang matapos
Ikaw lamang sakin

Mahal na mahal kita...

Cge mag-comment ka!

September 27th, 2004

...

Posted by kenrou at 07:09 PM on September 27, 2004.

kenrou
i dont really know what i feel today. rou, i dont know what to feel about u. yah, i love you so much. but it seems to me (as of the moment) that you are only playing games; games that really fooled me. i'm sorry about this.. i just wanna let you know how i feel this time.

1 O, ano pa?

You Are A King

Posted by kenrou at 07:04 PM on September 27, 2004.

I looked at the screen of the computer but it seemed too blurry and my eyes began to hurt. I forcefully shook my head to get myself to look at it clearly. Fortunately, it was successful. But there is one thing that I am not successful with. Yes, I have gotten my clear sight when I shook my head, but still the soul deep within me is blurry and hazy.

I have been thinking about so many things these days that I dont know if I am already hurting other people. Maybe I've been selfish coz I always wanted people's attention and care (which I am not getting). But hey, dont I deserve a little bit of consideration and understanding? I have been going through tough times. Look. My grandpa died. But let me tell you that he is not one of those thousands of other grandpas.

My childhood was so painful and grievous. I can still remember when my family would not be able to make ends meet regarding our finances, our social status (we used to be the richest family in our place), our relationships, and especially, regarding me. They never expected me to come out of my mom's womb. But I was there. With all those pressures coming on every side, my family slowly fell apart, and I dont wanna dig deeper into that dark past.

In all those tribulations, though I was just a kid, I knew that something was wrong and I knew that it was serious. I would even cry myself to sleep sometimes because no matter how I tried to understand the situation that we are into, my mind would always fail me. I would spend hours labouring to think what could've gone wrong but my poor soul could not contain it.

There was only one person who kept me going on: my grandpa. He would stay late at night with me as I cry myself to sleep. He would keep on telling me that I am still a kid and I should not be troubled. He would tell me stories about his youth and the way things used to be and he'd say that no matter how poor we were that time, we would be able to get all the glory back into our hands. With those simple words, he never knew how he was able to keep me breathing and keep me waking up every painful morning, realizing that none of those glories was coming back. It's not about being rich; it's about being able to eat three times a day.

One day, my mom disowned me. She told me that if it wasn't because of me, they shouldn't have suffered. I was totally devastated by those words that came out of my mom's mouth that seem to cut me open.

One night, I was lying on my bed again, trying to cry myself to sleep but I couldn't sleep, so I just cried. Then my grandpa came near me, picked me up and he put his arms around me. I could feel his love overflowing. I can't believe how he was able to love such an unlovable being such as me. He loved me when no one else could. He tenderly kissed me and whispered in my ear, "Dong, you are never alone in this. Your Lolo is with you and I promise that I would get you out of this." He began to cry. Then he continued on, "Dong, don't ever listen to what you mom told you because it is never true. You're part of this family; YOU ARE A KING."

The last line hit me to my core. I've never heard of someone calling me a king. But though I knew that it wasn't true, I believed grandpa. He told me that whenever I feel so down, I must remember that I am a king and I have to fear no one.

He was my source of strength, hope, courage, joy, peace, inspiration and love. He was my everything. I trusted him alone. I didn't even trust myself but I trusted him, and that trust allowed me to breathe every tiresome breath everyday as I struggled to live.

But now, I see him in that white coffin, lifeless, cold and out of reach. Oh, how I long to see myself with him. The world that I built around him just quaked and tumbled down to nothingness. As gaze upon him lying there, I could see my strength, hope, courage, joy, peace, inspiration, trust and love slip away from my grasp and leave. Every dream that we dreamed together just settled on the breeze and faded away.

"Dong, don't ever listen to what your mom told you because it is never true. Your part of this family; YOU ARE A KING." And then I realized that I am not a king, that the kingdom I owned was never there, and that my castle was made of sand...

Cge mag-comment ka!

« Newer | Older »